Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018
Paglalaban ni Sohrab at Rostam:   Ang istoryang ito na mula sa Shahaname na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki. Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palat...