Lumaktaw sa pangunahing content

Paglalaban ni Sohrab at Rostam:




 Ang istoryang ito na mula sa Shahaname na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki.

Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw na rin niyang ipaalam kung sino sya.

May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagamat nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa paning naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap ang ideyang iyon.

At sa wakas, nagharap ang mag-ama sa gitna ng labanan. Ang una nilang paglalaban ay tumagal nang buong araw at natapos nang maggagabi na. Nang magbukangliwayway, ay muli na naman silang naglaban at sa pagkakataong ito halos na nanalo si Sohrab, dahil nagkunwari si Rostam. Nagharap ang dalawang bayani para sa pinal na paglalaban.




Panitikang Persia

     Ang Persia o mas kilala na bilang Iran sa kasalukuyan ay isa sa may pinakamatandang panitikan sa daigdig. nagsimula ito sa makatang si Avesta noong 1000 BC. Ang panitikan ng Persia ay sumasalamin sa isang maluwalhating kultura at sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at imahinasyon ng mga persyano sa paglipas ng maraming siglo. Ito ay isa sa mga pinakalumang literatura sa buong mundo.Sukat tungkol sa dalawa't-kalahating millenya, ang panitikang persyano ay may mga pinagmulan at nakaligtas gumagana sa Old at Middle Persian pabalik sa panahong malayo bilang 522 BCE, ang petsa ng pinakamaagang nakaligtas na Achaemenid inscription, ay ang Bisotun Inscription. Ang sources nito ay nagmula pa sa kasaysayan ng Persia kabilang sa kasalukuyan (sa Iran) pati na rin ang mga rehiyon ng Gitnang Asya kung saan ang makasaysayang wika ng persya ay ang pambansang wika ng Persia. Ang panitikan ng Persia ay kapansin-pansing inimpluwensyahan ang literatura ng Ottoman Turkey, Muslim India at Turkic Central Asia at naging pinagkukunan ng inspirasyon para kay Goethe, Emerson, Matthew Arnold at Jorge Luis Borges, at napakarami pang iba.

Ang panitikan ng Africa ay binunuo ng mga kuwento, dula, bugtong, kasaysayan, mito, awit, at salawikain na maaaring ipakita sa pamamagitan ng sulat o salita.

Ang panitikan naman ng Persia, o Iran sa kasalukuyan ay may impluwensiya ng literatura ng Ottoman Turkey, Muslim India at Turkic Central Asia.

Ang istilo at kultura ng literatura ng dalawang bansa ay nakapag ambag ng malaking pagbabago sa panitikan sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang paniniwalang Sufism. Ito ay naging daan para mapagyaman ang panitikan sa larangan ng pilosopiya at paniniwala.


Mga Komento